Ang Unibersidad ng Toronto (U of T, UToronto, o Toronto) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Toronto, Ontario, Canada, na matatagpuan sa lugar na pumapalibot sa Queen's Park. Ito ay itinatag sa pamamagitan ng royal charter noong 1827 bilang King's College, ang unang institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa mga kolonya ng Upper Canada. Orihinal na kinokontrol ng Church of England, ginamit ng unibersidad ang kasalukuyang pangalan noong 1850 nang maging isang sekular na institusyon. Ang unibersidad ay binubuo ng 12 kolehiyo, na na naiiba sa kanya-kanyang karakter at kasaysayan, at bawat isa ay may awtonomiya sa pananalapi at institutional na ugnayan. Ang unibersidad ay may dalawang satellite campus sa Scarborough at Mississauga.
Ang Unibersidad ng Toronto ay ang paaralan ng dalawang Gobernador General ng Canada at apat na Punong Ministro ng Canada, apat na dayuhang lider, labing-apat na Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, at may ugnay sa sampung Nobel laureates.