Ang Nakahilig na Tore ng Pisa (Ingles: Leaning Tower of Pisa o The Tower of Pisa, Italyano: Torre pendente di Pisa o La Torre di Pisa) o payak lamang na Ang Tore ng Pisa ay ang malayang nakatayong tore ng kampanilya (tore de kampanilya) ng katedral ng Italyanong lungsod ng Pisa. Nakalagak ito sa likod ng katedral at siyang ikatlong pinakamatandang istruktura o kayarian sa parisukat na Liwasan ng Katedral ng Pisa (Piazza del Duomo) pagkaraan ng katedral at baptistriya.
Nakahilig na Tore ng Pisa | |
250px
</center> |
|
Payak na impormasyon | |
---|---|
Lokasyon | Flag of Italy Italy |
Mga heograpikong coordinate | Mga coordinate: |
Relihiyong kinasasaniban | Romano Katoliko |
Lalawigan | Pisa |
Distrito | Tuskanya |
Websayt | http://www.endex.com/gf/buildings/ltpisa/ltpisa.html |
Ang Nakahilig na Tore ng Pisa (Ingles: Leaning Tower of Pisa o The Tower of Pisa, Italyano: Torre pendente di Pisa o La Torre di Pisa) o payak lamang na Ang Tore ng Pisa ay ang malayang nakatayong tore ng kampanilya (tore de kampanilya) ng katedral ng Italyanong lungsod ng Pisa. Nakalagak ito sa likod ng katedral at siyang ikatlong pinakamatandang istruktura o kayarian sa parisukat na Liwasan ng Katedral ng Pisa (Piazza del Duomo) pagkaraan ng katedral at baptistriya.
Bagaman nilayong nakatayo ng tuwid at bertikal, nagsimulang maging nakatagilid o nakakiling sa timog-silangan ito pagkaraan ng pagsisimula ng konstruksiyon o pagbubuo noong 1173 dahil sa hindi mainam na pagbubuhos ng pundasyon at malambot na istratum o substratong nagpahintulot sa pagbabago ng patutunguhan o direksiyon ng pundasyon. Sa kasalukuyan, nakahilig ito papuntang timog-kanluran.
May taas ang tore na 55.86 mga metro (183.27 mga talampakan) mula sa lupa sa pinakamababang gilid at 56.70 mga metro (186.02 mga talampakan) sa pinakamataas na gilid. Sa base o paanan nito, nasa 4.09 mga metro (13.42 mga talampakan) ang lapad ng mga pader o dingding nito at may 2.48 mga metro (8.14 mga talampakan) sa tuktok o itaas. Tinataya ang timbang nito na may 14,500 mga metrikong tonelada (16,000 maiikling mga tonelada). May 296 o 294 mga hakbangan ang tore; mayroong mas mangilan-ngilang mga hakbangan ang ikapitong palapag sa hagdanang nakaharap sa hilaga. Humilig ang tore sa anggulong 5.5 na mga degri., subalit pagkaraan ng mga pagawaing pangrestorasyon sa pagitan ng 1990 at 2001, nakakiling na ang tore sa anggulong 3.99 na mga degri. Nangangahulugan ito na ang itaas ng tore ay 3.9 mga metro (12 mga talampakan at 10 mga pulgada) mula sa kung saan ito ititindig kapag wastung-wasto o tama ang pagbertikal nito.<ref>tan(3.98 degrees) * (55.86 m + 56.70 m)/2 = 3.9 m</ref>
Kaurian:Mga gusali Kaurian:Italya
af:Skewe Toring van Pisa ar:برج بيزا المائل bat-smg:Pizas buokšts bg:Наклонена кула в Пиза bs:Krivi toranj u Pisi ca:Torre de Pisa cs:Šikmá věž v Pise da:Det skæve tårn i Pisa de:Schiefer Turm von Pisa dv:ޕީސާގެ ޓަވަރު en:Leaning Tower of Pisa eo:Oblikva turo de Pizo es:Torre de Pisa et:Pisa torn eu:Pisako dorrea fa:برج کج پیزا fi:Pisan torni fr:Tour de Pise fy:Toer fan Pisa gl:Torre de Pisa gu:પીઝાનો ઢળતો મિનારો he:מגדל פיזה hi:पीसा की मीनार hr:Kosi toranj u Pisi hy:Պիզայի թեք աշտարակ id:Menara Pisa is:Skakki turninn í Písa it:Torre pendente di Pisa ja:ピサの斜塔 ko:피사의 사탑 lt:Pizos bokštas mk:Кривата кула во Пиза ms:Menara Condong Pisa nl:Toren van Pisa nn:Det skeive tårnet i Pisa no:Det skjeve tårn i Pisa nrm:Tou d'Pîse oc:Torre de Pisa os:Пизæйы мæсыг pa:ਪੀਸਾ ਦੀ ਮੀਨਾਰ pl:Krzywa Wieża w Pizie pnb:پیسا ٹاور pt:Torre de Pisa ro:Turnul din Pisa ru:Пизанская башня sh:Krivi toranj u Pisi simple:Leaning Tower of Pisa sk:Šikmá veža v Pise sr:Криви торањ у Пизи sv:Lutande tornet i Pisa ta:பீசாவின் சாய்ந்த கோபுரம் th:หอเอนเมืองปิซา tr:Pisa Kulesi uk:Пізанська башта ur:پیسا ٹاور vi:Tháp nghiêng Pisa zh:比萨斜塔 zh-min-nan:Pisa Siâ Thah