Ang Mari (modernong Tell Hariri, Syria) ay isang sinaunang siyudad ng Sumerya at Amoreo na matatagpuan na 11 km hilagang kanluran ng modernong bayan ng Abu Kamal sa kanluraning bangko ng ilog Euphrates mga 120 km timog silangan ng Deir ez-Zor, Syria. Ito ay pinaniniwalaang tinitirhan ng tao simula pa noong ika-5 milenyo BCE hanggang noong mga 1759 BCE nang ito ay kubkobin ni Hammurabi.