Monuments and memorials in Maratea

Kristo ang Tagapagtubos

Vittoria Caputi and 26,026 more people have been here
7.9/10

Si Kristo ang Tagapagtubos (Portuges: Cristo Redentor, Portuges na Brasilyano: ], IPA: [ˈkɾiɕtŭ̻ xe̞dẽ̞ˈtoɦ]) ay isang rebultong Art Deco ni Hesukristo sa Rio de Janeiro, Brasil, na nilikha ng Pranses na iskultor na si Paul Landowski at itinayo ng Brasilyenong inhinyero na si Heitor da Silva Costa na tinulungan ng Pranses na inhinyero na si Albert Caquot. Nilikha ng Rumanong iskultor na si Gheorghe Leonida ang mukha. Itinayo mula 1922 hanggang 1931, 30 metro (98 ft) ang taas ng rebulto, hindi kasama ang kanyang patungang may taas na 8 metro (26 ft). 28 metro (98 ft) ang kahabaan ng mga brasong nakaunat.

Ang rebulto ay may timbang na 635 metrikong tonelada (625 mahaba, 700 maikling tonelada), at matatagpuan sa tuktok ng 700 metro (2,300 ft) na Bundok Corcovado sa Pambansang Liwasan ng Kagubatang Tijuca na tinutunghayan ang lungsod ng Rio de Janeiro. Isang simbolo ng Kristiyanismo sa buong mundo, ang rebulto ay naging simbolo ng kalinangan ng Rio de Janeiro at Brasil, at nakalista ito bilang isa sa mga Bagong Pitong mga Kamangha-mangha ng Daigdig. Gawa ito sa pinatibay na kongkreto at batong sabon.

Kasaysayan

Si Pedro Maria Boss, isang Vicencianong pari, ang unang nagmungkahi ng pagtatayo ng Kristiyanong monumento sa Bundok Corcovado noong kalagitnaan ng 1850 upang parangalan si Prinsesa Isabel, rehente ng Brasil at ang babaeng anak ni Emperador Pedro II, ngunit hindi naaprubahan ang proyekto. Noong 1889 naging republika ang bansa, at dahil sa paghihiwalay ng simbahan at estado, pinawalang-saysay ang ipinanukalang rebulto.

Gumawa ang Sirkulo Katoliko[kailangang linawin] ng Rio ng ikalawang panukala para sa palatandaang rebulto sa bundok noong 1920. Inorganisa ng grupo ang isang kaganapan na tinawag na Semana do Monumento ("Linggo ng Bantayog") upang makaakit ang mga donasyon at mangolekta ng mga lagda upang suportahan ang pagtatayo ng rebulto. Ginanyak ang organisasyon ng itinuturing nilang 'kawalan ng Diyos' sa lipunan. Halos nagmula ang lahat ng mga donasyon mula sa mga Brasilyenong Katoliko. Kabilang sa mga disenyo na isinasaalang-alang para sa "Rebulto ni Kristo" ang isang representasyon ng Kristiyanong krus, isang rebulto ni Jesus na may globo sa kanyang mga kamay, at isang patungan na sumasagisag sa mundo. Napili ang rebulto ni Kristo na Tagapagtubos na may mga bukas na armas, simbolo ng kapayapaan.

Idinisenyo ang rebulto ni Heitor da Silva Costa, isang lokal na inhinyero. Nilikha naman ni Paul Landowski, isang Pranses na iskultor ang gawain.

Noong 1922, inatas ni Landowski ang kapwang Parisiano-Rumanong iskultor na si Gheorghe Leonida na nag-aral ng iskultura sa Fine Arts Conservatory sa Bukarest at sa Italya.

Inaral ng isang pangkat ng mga inhinyero at tekniko ang mga isinumite ni Landowski at naniwala na mas angkop ang istruktura na gawa sa kongkretong pinatibay (dinisenyo ni Albert Caquot) sa halip na bakal para sa hugis-krus na rebulto. Nanggaling ang kongkreto na nagbubuo ng patungan mula sa Limhamn, Suwesa. Ang mga panlabas na suson ay gawa sa batong sabon, pinili dahil sa kanyang matatag na katangian at kadaliang gamitin. Tumagal nang siyam na taon ang konstruksyon nito, mula 1922 hanggang 1931 at nagkahalaga ng katumbas ng US$250,000 (katumbas sa $3,500,000 noong 2018) at binuksan ang bantayog noong Oktubre 12, 1931. Noong seremonya ng pagbubukas, iilawan dapat ang rebulto ng isang pulutong ng mga baha-ilaw na bubuksan nang malayuan ni Guglielmo Marconi, ang Italyanong imbentor ng radyong liboy-ikling na nakapuwesto 9,200 kilometro (5,700 mi) mula sa Roma ngunit dahil sa masamang panahon, binuksan ang mga ilaw sa lugar mismo.

Noong Oktubre 2006, sa ika-75 na anibersaryo ng pagkumpleto ng rebulto, binenditahan ng Arsobispo ng Rio, si Cardinal Eusebio Oscar Scheid, ang isang kapilya na nakapangalan sa santong patron ng Brasil—Nossa Senhora Aparecida ("Ang Aming Ginang ng Aparecida"), sa ilalim ng rebulto na nagpapahintulot sa mga Katoliko na magpabinyag at magpakasal doon.

Tinamaan ng kidlat ang rebulto noong isang marahas na bagyo noong Pebrero 10, 2008 na nagiging sanhi ng bahagyang paninira sa mga daliri, ulo at kilay. Nagpasimula ang estadong pamahalaan ng Rio de Janeiro ng pagtatangka sa pagpapanumbalik upang palitan ang mga panlabas na suson na gawa sa sabong bato at kumpunihin ang mga kidlat-poste sa rebulto. Natamaan muli ito ng kidlat noong Enero 17, 2014 at nasira ang isang daliri nito sa kanyang kanang kamay.

Noong 2010, nagsimula ang napakalaking pagpapanumbalik ng rebulto. Kabilang dito ang paglilinis, pagpapalit ng argamasa at batong sabon sa balat, pagpapanumbalik ng bakal sa istrakura sa loob, at pagdi-mabasa ng monumento. Inatake ng mga bandalo ang rebulto sa panahon ng pagsasaayos, at nawisikan ng pintura sa may braso. Sinabi ni Alkalde Eduardo Paes na "isang krimen laban sa bansa" ang ginawa. Sa huli, humingi ng paumanhin ang mga salarin at nagpahuli sila sa mga pulis.

Bilang reperensiya sa pagdiriwang ng gol ng Brazilenyong striker na si Ronaldo, kung saan nakabukas ang dalawa niyang braso, nagpatakbo ang Pirelli, isang kumpanya ng gulong, ng pamadya noong 1998 kung saan pinalitan niya ang rebulto habang nasa isang strip ng Inter Milan. Naging kontrobersyal ang pamadya sa Simbahang Katoliko. Noong 2015, umakyat sa rebulto ang dalawang Ruso at Ukranyong lunsuring manggagalugad, sila Vadim Makhorov at Vitaly Raskalov mula sa Ontheroofs, na may nakuhang video footage at mga larawan.

Pagpapanumbalik

Noong 1990, sumang-ayon sa trabahong pagpapanumbalik ang iilang mga organisasyon, kasama ang Arkidiyosesis ng Rio de Janeiro, kumpanyang medya Grupo Globo, kumpanyang langis Shell do Brasil, tagapangasiwa ng kalikasan IBAMA, Pambansang Surian ng Makasaysayang at Masining Pamana, at ang pamahalaang lungsod ng Rio de Janeiro.

Isinagawa ang karamihan ng trabaho sa rebulto at sa kapaligiran nito noong 2003 at unang bahagi ng 2010. Noong 2003, nakabit ang isang pangkat ng mga eskalador, tulayan, at asensor upang mapadali ang pagpunta sa plataporma na pumapalibot sa rebulto. Nagpokus ang apat na buwan ng pagpapanumbalik noong 2010 sa mga rebulto mismo. Nakumpuni ang panloob na istraktura ng rebulto at naibalik ang sabong batong mosaik na takip nito sa pamamagitan ng pag-alis ng patong ng halamang singaw at iba pang mga miktataghay at pagkukumpuni ng maliliit na lamat. Naayos din ang mga kidlat-poste na matatagpuan sa ulo at bisig ng rebulto, at naluklok ang mga bagong kabit sa ilaw sa paa ng rebulto.

Kasangkot ang isang daang tao sa pagpapanumbalik at gumamit ng higit sa 60,000 piraso ng bato na kinuha mula sa parehong tibagan ng orihinal na rebulto. Sa panahon ng paglalantad ng naipanumbalik na rebulto, iniluminado ito ng luntian at dilaw na ilaw para sumoporta ng Brazilenyong pambansang koponan ng futbol na naglaro sa 2010 FIFA World Cup.

Dapat na isinasagawa ang pagpapanatili pana-panahon dahil sa malantad ang rebulto sa malakas na hangin at pagguho ng lupa, pati na rin sa mga kidlat. Kulang na ang dami ng orihinal na maputlang bato at mas madidilim sa kulay ang mga batong kapalit.

Magkatulad na istruktura

  • Kristo ang Tagapagtubos sa Rio Verde, Goiás, Brasil
  • Cristo del Otero sa Palencia, Espanya na binuo noong 1930 (21 m)
  • Cerro del Cubilete sa Guanajuato, Mehiko, na napukaw sa Kristo ang Tagapagtubos ng Rio (23 m)
  • Kristong Nagpapala sa Manado, Hilagang Sulawesi, Indonesia (30 m)
  • Kristo ng Havana sa Havana, Cuba na napukaw sa Kristo ang Tagapagtubos (20 m)
  • Kristo ng Kalaliman sa iba't ibang mga lokasyon sa ilalim ng tubig
  • Kristo ng mga Ozark sa Arkansas, Estados Unidos, na napukaw sa Kristo ang Tagapagtubos ng Rio (20 m)
  • Kristo ng Vũng Tàu sa Vietnam (32 m)
  • Kristo ang Hari sa Świebodzin, Poland (33 m)
  • Kristo ang Tagapagtubos ng Andes (Argentina/Chile)
  • Kristo ang Banal na Puso ni Hesus, Ibiza, Espanya, na napukaw sa Kristo ang Tagapagtubos (23 m)
  • Cristo Blanco sa Cusco, Peru
  • Cristo de la Concordia sa Cochabamba, Bolivia (34 m)
  • Cristo de las Noas sa Torreón, Mehiko (22   m)
  • Cristo del Pacífico sa Lima, Peru, na itinayo noong 2011 (37 m)
  • Patung Yesus Kristus sa Pulo ng Mansinam, Kanlurang Papua, Indonesia (30 m)
  • Cristo Redentore (Kristo ang Hari) ng Maratea, Italya (21 m)
  • Cristo Rei (Kristo ang Hari) sa Almada, Portugal (28 m)
  • Cristo Rei ng Dili sa Dili, Timor-Leste (27 m)
  • Cristo Rei, Madeira sa Pulo ng Madeira, natapos noong 1927 (15 m)
  • Cristo Rei sa Lubango, Angola (14 m)
  • Rebulto ng Cristo Luz sa Balneário Camboriú, Santa Catarina, Brasil
  • Rebulto ni Hesukristo sa tuktok ng Sagrat Cor, Barcelona, Espanya
  • Tas-Salvatur, Malta (12 m)
  • Rebulto ni Hesukristo, Monte Urgull, Donostia-San Sebastian, Espanya - 12 m
  • Jesus de Greatest sa Imo, Nigeria, pinakamataas na estatuwa ni Hesus sa Aprika at ikalimang pinakamataas na rebulto sa kontinente (8.53 m)
  • Cristo del Picacho sa Tegucigalpa, Honduras
  • Cristo Redentor, Puerto Plata, Republikang Dominikano
  • Kristo Ang Hari Lebanon
  • Isa pang imitasyon ng rebulto ni Kristo ang Tagapagtubos sa Nellore, Andhra Pradesh, India. (Shrish Patil)
  • Imitasyon sa Kovalam, malapit sa Trivandrum, Kerala, India.
  • Si Kristo ang Tagapagtubos ng Malacca na nasa Portuguese Settlement Square sa Melaka, Malaysia (20 m)
  • Cristo Rey sa Colombia (26 m)

Galerya

Ang rebulto  
Eskalador pampadaan  
Kristo ang Manunubos pagkatapos ng pagbabalik sa dati  
Pinaliwanag ang rebulto ng dilaw at luntain, ang mga kulay ng Brasil, noong 2014 FIFA World Cup.  
Nailawan ang Kristo ang Manunubos ng mga kulay ng watwat ng Pranses pagkatapos ng mga Nobyembre 2015 atake sa Paris  
Ang Corcovado at Kristo ang Manunubos na nakikita mula sa Pão de Açúcar.  

Tingnan din

  • Talaan ng mga rebulto ayon sa taas

Karagdagang pagbabasa

Mga kawing panlabas

Post a comment
Tips & Hints
Arrange By:
Cinzia Tempesti
august 10 2014.
Meraviglia
Claudio Massa
august 20 2012.
Meraviglioso posto. La vista da quassù è splendida. Non ha nulla da invidiare a quello più famoso di Rio. Unica pecca, 4€ per il parcheggio e navetta mi sembra alquanto un furto!
Load more comments
foursquare.com
Location
Map
Address

Get directions
Open hours
Sat 10:00 AM–Noon
Sun 10:00 AM–2:00 PM
Mon Noon–9:00 PM
Tue Noon–3:00 PM
Wed 10:00 AM–Noon
Thu 10:00 AM–2:00 PM
References

Cristo Redentore di Maratea on Foursquare

Kristo ang Tagapagtubos on Facebook

Hotels nearby

See all hotels See all
A Garden in Bloom

starting $78

Santavenere Hotel

starting $324

La Locanda Delle Donne Monache

starting $162

Club Residence Pianetamaratea

starting $82

Hotel Murmann

starting $103

La Dimora del Cardinale

starting $73

Recommended sights nearby

See all See all
Add to wishlist
I've been here
Visited
Certosa di Padula
Italya

Certosa di Padula is a tourist attraction, one of the World Heritage

Add to wishlist
I've been here
Visited
Pertosa Caves
Italya

Pertosa Caves (Italiano: Grotte di Pertosa) is a tourist attraction,

Add to wishlist
I've been here
Visited
Castelcivita Caves
Italya

Castelcivita Caves (Italiano: Grotte di Castelcivita) is a tourist

Add to wishlist
I've been here
Visited
Cathédrale de Cosenza
Italya

Cathédrale de Cosenza (Italiano: Duomo di Cosenza) is a tourist

Add to wishlist
I've been here
Visited
Castello normanno-svevo (Cosenza)
Italya

Castello normanno-svevo (Cosenza) is a tourist attraction, one of the

Add to wishlist
I've been here
Visited
Osservatorio Astronomico di Castelgrande
Italya

Osservatorio Astronomico di Castelgrande is a tourist attraction, one

Add to wishlist
I've been here
Visited
Abbey of the Santissima Trinità (Venosa)
Italya

Abbey of the Santissima Trinità (Venosa) (Italiano: Complesso della

Add to wishlist
I've been here
Visited
Abbey of San Guglielmo al Goleto
Italya

Abbey of San Guglielmo al Goleto (Italiano: Abbazia del Goleto) is a

Similar tourist attractions

See all See all
Add to wishlist
I've been here
Visited
Lincoln Memorial
zfedhhpkmz

Lincoln Memorial is a tourist attraction, one of the Monuments and

Add to wishlist
I've been here
Visited
Dolmabahçe Palace
qwaukoew

Dolmabahçe Palace (Türkçe: Dolmabahçe Sarayı) is a tourist attr

Add to wishlist
I've been here
Visited
Bethesda Terrace
zfedhhpkmz

Bethesda Terrace is a tourist attraction, one of the Monuments and

Add to wishlist
I've been here
Visited
Çanakkale Martyrs' Memorial
qwaukoew

Çanakkale Martyrs' Memorial (Türkçe: Çanakkale Şehitleri Anıtı) is a t

Add to wishlist
I've been here
Visited
Old Saint Petersburg Stock Exchange and Rostral Columns
Russia

Old Saint Petersburg Stock Exchange and Rostral Columns

See all similar places