Ang kampo ng konsentrasyon sa Auschwitz (Aleman: Konzentrationslager Auschwitz ] ( pakinggan)) (1940–1945), ay ang pangkat ng mga kampong panlipol ng Partidong Nazi at ipinatayo at pinangasiwaan ng Ikatlong Reich sa mga nasakop na mga lupain ng Alemanyang Nazi sa Poland (Polonya) noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ang pinakamalaking konsentrasyong kampo na binubuo ng Auschwitz I (ang Stammlager o kampong base); Auschwitz II–Birkenau ( Vernichtungslager o kampong panlipol); Auschwitz III–Monowitz, na tinatawag ding Buna–Monowitz (kampo ng pagtatrabaho); at 45 mga kampong satelayt (sangay na kampo).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Polonya ay isang .
Makatutulong ka sa Wikipedia sa
pagpapalawig nito.