Ang Gusaling Chrysler o Chrysler Building ay isang Art Deco na gusaling tukudlangit sa Lungsod ng New York, na matatagpuan sa gawing silangan ng Manhattan sa interseksyon ng Kalye Ika-42 at Abenida Lexington. Tumatayo sa 319 metres (1,047 tpkn), naging pinakamataas na gusali sa buong mundo ito sa loob ng maikling panahon bago ito malagpasan ng Gusaling Empire State noong 1931. Subalit, nananatili ang Gusaling Chrysler bilang pinakamataas na gusaling yari sa ladrilyo. Makaraan ang pagbagsak ng World Trade Center, muli itong naging pangalawang pinakamataas na gusali sa Lungsod ng New York City hanggang Disyembre 2007, kung kailan itinaas ang 365.8-metre (1,200 tpkn) na espiro ng gusali ng Bank of America, kung kaya't naitulak ang Gusaling Chrysler sa ikatlong puwesto. Bilag karagdagan, ang Gusali ng New York Times, na nagbukas noong 2007, ay tuwirang katapat ng Gusaling Chrysler sa sukat ng kataasan.
Isang klasikong halimbawa ang Gusaling Chrysler ng arkitekurang Art Deco at ibinibilang ng mga pangkasalakuyang mga arkitekto na isa sa mga pinakamahusay ang pagkakagawang gusali sa Lungsod ng New York (tingnan sa ibaba). Noong 2007, inihanay itong ika-siyam sa Talaan ng mga Paboritong Arkitektura ng Amerika ng Surian ng mga Arkitektong Amerikano.
Ang lathalaing ito ay isang . Makakatulong ka sa Wikipedia sa
pagpapalawig nito.