Ang Cappadocia o Capadocia (; Turko: Kapadokya, mula sa Griyego: / Kappadokía, Persa: کاپادوکیه Kāpādōkiyeh) ay isang makasaysayang rehiyon sa Gitnang Anatolia, na malakihang nasa Lalawigan ng Nevşehir sa Turkiya.
Noong kapanahunan ni Herodotus, ang mga Capadociano o Cappadociano ay naiulat na sumasaklaw sa buong rehiyon na magmula sa Bundok ng Taurus hanggang sa pook ng Euxine (Dagat na Itim). Sa ganitong diwa, ang Capadocia ay nahahangganan sa timog ng tanika ng Kabundukan ng Taurus na naghihiwalay dito mula sa Cilicia; nahahangganan ito sa timog ng pang-itaas na Euphrates at nga Mataas na Lupang Armenyo; nahahangganan ito sa hilaga ng Pontus; at nahahangganan ito sa kanluran ng Lycaonia at ng silangang Galatia.
Ang pangalan ay nakaugaliang ginagamit sa mga sangguniang Kristiyano sa kabuoan ng larangan ng kasaysayan at malawakan pa ring ginagamit bilang isang diwang pandaigdigan na may kaugnayan sa turismo upang ilarawan ang isang rehiyon na may katangi-tanging mga tanawing likas at kahanga-hanga, na partikular na kinatatangian ng mga tsimneyang bibit at ng isang namumukod-tanging pamanang pangkasaysayan at pangkultura.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at
Turkiya ay isang . Makatutulong ka sa Wikipedia sa
pagpapalawig nito.