Ang Apulia ay isang rehiyon sa Katimugang italya na pinalilibutan ng Dagat Adriatiko sa silangan, ang Dagat Ionian sa timog kanluran, at Kipot Òtranto at Golpo ng Taranto sa timog. Bumubuo ang katimugang bahagi ng rehiyon, na kilala sa tawag na tangway Salento, ng mataas na talampakan ng "bota" ng Italya. Binubuo ito ng 19,345 square kilometers (7,469 sq mi), at umaabot sa 4.1 milyon ang populasyon. Pinalilibutan ito ng Molise sa hilaga, Campania sa kanluran, a tBasilicata sa timog kanluran. Katabi na nito ang Greece at Albania, kapag dadaan sa Dagat Ionian at Adriatiko. Umaabot ang rehiyon hanggang Monte Gargano sa hilaga kanluran. Bari ang kabisera nito.
Nahahati ang Apulia sa anim na lalawigan (ito ay opisyal na datos mula sa anim na lalawigan (Nagkaroon lamang ang Barletta-Andria-Trani), noong 2009, pagkatapos ng senso noong 2011) :
Lalawigan | Lawak (km²) | populasyon | Kakapalan (inh./km²) |
---|---|---|---|
Lalawigan ng Bari | 3,821 | 1,256,821 | 328,9 |
Lalawigan ng Barletta-Andria-Trani | 1,543 | 392,237 | 254,2 |
Lalawigan ng Brindisi | 1,839 | 402,973 | 219.1 |
Lalawigan ng Foggia | 6,960 | 641,000 | 92.0 |
Lalawigan ng Lecce | 2,759 | 812,690 | 294.5 |
Lalawigan ng Taranto | 2,437 | 580,497 | 238.2 |