Ang Tulay ng Brooklyn (Ingles: Brooklyn Bridge) isang nakasuspindeng tulay sa Estados Unidos na may habang 5,989 piye (1825 m) sa Silangang Ilog (East River), ipinagdudugtong ang mga boro ng Lungsod ng Bagong York na Manhattan at Brooklyn. Sa pagtatapos nito noong 1883, ito ang pinakamahabang nakasuspindeng tulay sa buong mundo, ang unang nakasuspindeng tulay na may aserong kawad at ang unang tulay na nagdurugtong sa Pulo ng Long.
Orihinal na ipinangalanan bilang Bagong York at Tulay ng Brooklyn, ito ay ipinangalanan bilang Tulay ng Brooklyn sa isang 1867 sulat para sa editor ng Brooklyn Daily Eagle, at pormal na ipinalanganan ng pamahalaan ng lungsod noong 1915. Simula ng pagbubukas nito, ito ay naging isang simbolikong parte ng skyline ng Lungsod ng Bagong York. Ito ay ginawa bilang isang National Historic Landmark noong 1964.